Saturday, April 9, 2011

Transcript of Willie Revillame's Speech on Willing Willie, April 8

Sa April 23 po , magsisix months na po ang programa natin-- anim na buwan na po tayo.  Noon hong March 12, nagkaroon po ng problema which is nagreact po ang lahat… after one week. Yun pong bata na si Janjan na sumayaw daw po nang malisyoso at hinusgahan na po ako ng mga sangay ng gobyerno. Sinabi nila na inabuso ko yung bata, chinild abuse ko yung bata, inexploit ko yung bata dahil daw pinasayaw ko raw ng pinasayaw. Dahil umiiyak na raw ho yung bata, pinilit ko pang sumayaw.

Alam niyo ho, una sa lahat, pagnagkakaroon ho kami ng auditions hindi ko ho nakakausap lahat ng mga contestants sa Wil Time Big Time. Dito ko lang ho namimit yan. So kaya if you will noticeyung eksena na yon, tinanong ko siya kung anong kakantahin mo.  Sabi niya, "Hindi po ako kakanta, sasayaw po ako."  Eto pong bata na ito ay anim na taon lamang eh. Ang kanyahong father binati pa niya na may parlor. So hindi po namin alam ang buhay ng ating mga kababayan. Sana ho magcecelebrate kami ng anim na buwan sa 23…tayo…tayong lahat.

 Kanina ho, for the past days, marami ho akong pinagdaanan eh. Nung nasa ABS pa ako, nagkaroon ng stampede 71 dead people. Sa morgue ho, magisa lang ho akong lumalapit, wala ho akong mga kasama na boss ng ABS. Ako lang po yun.  Wala ho akong kasama. Ako po ang humingi ng tawad sa pamilya. Ako rin po ang humingi ng tawad sa mga bangkay- 71 dead people. Sa mga nanay ako po ang humingi ng tawad. Pitumpu't isang bangkay ho, lumuluhod ako. Hanggang minumura ako ng ibang pamilya. Lahat ng mura ho inabot ko. Pero after ng mura yinayakap ako. "Kung hindi ka lang mahal ng magulang ko, papatayin kita Willie. Pinuntahan ka ng nanay ko kasi birthday ng nanay ko. Pinuntahan ka ng nanay ko-- kagabi nagpamanicure pa siya kasi nanay ko labandera lang, Willie. Para daw pag hinawakan mo daw siya, maganda yung kamay niya. "

Marami hong istorya na totoong naexperience ko. Noong ho nakaburol ang lahat ng mga yan, ako lang ho ang pumupunta magisa, sarili kong pera. Hindi ko na ho ito dapat sabihin pa pero ito po ang pinaka-grabeng grabeng kampanya na tanggalin ho ako sa industriya. Ako po ang humihingi ng tawad sa pamilya. Ako po ang humaharap. Alam po ng Panginoong Diyos iyan. Sa sarili kong pera, inaabutan ko nang palihim yang lahat na mga yan. Bumalik ho ang programa at minahal niyong lahat. Naniniwala po ako na yung mga pitumpu't isang mga yon, mga nanay at lolo na namatay, pinagdadasal ako lagi. Nilalapit po ako sa Diyos na sana eh lagi akong nandito. Kaya ho naniniwala ako na narito pa rin ako.

Nagkaroon  po kami ng problema, yung Wilyonaryo, dayaan, hanggang nagkaaway kami ni Joey De Leon dahil nangdadaya daw ako yung ganon gmga salita. Nagkaayos na po kami, nagkaayos na po kami ni Joey. Malaki na ho ang respeto ko sa tao na yan, kay Vic Sotto at sa Eat Bulaga. Nagkaroon ng problema, ako nanaman ang hinarap ng ABSCBN non. "Ikaw na ang makipagusap sa tao".  Na hindi ko ho kasalanan iyon. Kasi ho kaya ko sinasabi lahat ito kasi ho matagal akong nanahimik. Tumahimik po ako sa sarili ko na lang tinitiis kasi hindi ko na ho pinoproblema yang mga yan. Ako na lang tirahin, tahimik na lang po ako.

After ng Wilyonaryo, nagkaroon po ng insidente: Ang well-loved president, the late Tita Cory Aquino. Ang lahat po nang sasabihin ko ay totoo lamang.Hindi po ako magsisinungaling sa inyo at alam ng mga tao yan. Nong ako po ay pumasok, may tumawag sa akin na si Tita Cory ho ay wala na. So nagisip ho agad ako at tinawagan ho ako ng aming direktor na nirerespeto ko at minamahal ko Mr. Johnny Manahan. Sabi niya, "Willie wala na ang ating well-loved president na si Tita Cory. Ano ang nasa isip mo?" Bigla po akong tumawag sa EP at pinakuha ko lahat ng video niya saTVPatrol ang sabi ko kakanta ako ng "Munting Hiling". Pakuha ka ng kandila at magdasal tayo. Magbigay tayo ng respeto. Yan po ang araw na namatay si Tita Cory. Kumanta ako ng munting hiling, kung makikita nyo ang tape na yan, very solemn ho yun at nagbigay kami ng respeto. And Ms. Kris Aquino texted me, sabi "Willie, mahal ka ng nanay ko kasi pagnanood siya". Kahit nung nasa ospital pa si Tita Corytinetext ako ni Kris, kasi daw kinikiss daw ako sa TV dahil favorite ng mga anak niya yung kanta ko pati si Tita Cory.

After ho nun gpangyayari na yun, kinabukasan, dapat ho eh magtatape kami.  Taping na lang po iyon eh. Sinabi ko ho sa management na ibigay na lang natin to sa mga Aquinos. Kasi, bakit pa tayo magshoshow: sasayaw ako ng giling-giling, magsasaya kami pero nagluluksa ang samabyanan. Noong una ho nagtaping kami. Nung nagtataping kami, kasi ho ng araw na yun tape. Para ho maintindihan nyong lahat kasi grabe na akong tirahin sa dyaryo, sa Inquirer, sa internet, sa twitter. Para gusto nila mamatay na ako sa mundo-- para mawala na ako sa mundong ito.Ganon ho ang ginagawa sa akin ngayon. So after ho nun, live yun at I'm sure nanonood ang ABS CBN at totoo to. Wag na wag kayong magsisinungaling, kahit saan tayo umabot haharapin ko ito. After po nun, sinabi ko po to, sa tape: Okay, nung nakatape po kami, inilabas po. Walang nakakaalam nito eh, sasabihin ko na po lahat to. Sobra na po ang kampanya laban sa akin. Lumabas ho kami sa screen sumasayaw ng giling giling yung kabong ni Tita Cory. Tumawag ako agad sa isa sa mga boss, kay Ms. Linggit Tan. "Ano ba naman kayo, nagsasasaya tayo. Nagluluksa ang sambayanan. Papasukan nyo kami ng ganyan. Nakakahiya sa mga Aquino.." Tinaggal nila yon. Tinanggal ho iyon, so nagreact sila sa sinabi ko. Pinasukan kami, nagsasaya kami, sumasayaw kami ng giling giling meron hong kabaong ng mahal nating presidente? Ang bastos bastos naman. At ako ho ang tumawag sa management. "wag niyo namang gawin iyan sa amin. Nakakhiya sa mga Aquino. Nagsasaya kami habang ang buong bayan nagluluksa. Parang wala kaming respeto."

Ano hong nangyari? Ang nangyari eto, alam ng Diyos to. Tutal ginaganyan nyo ako sassabihin ko nang lahat. Tumahimik ako para walang problema. Kasuhan ninyo ako, haharap ako. Isa ho sa management, ang sabi ko "Ibigay na natin to sa mga Aquino," Anong sabi sa akin? "Kailangan nating kumita-- commercial." Alam mo kung sino ka at haharapin kita. Sobra na ang ginagawa niyo sa akin. Sinabi po yan.

Pagkatapos non at humarap na naman ako live. During the Willie of Fortune may sumasayaw ho na babae na Nobody Nobody. Inilabas nanamn ho ang kabaong ni Tita Cory. Kung marerecall nyo yun, dun ulit ako nagalit. Kasi nilabas nanaman po eh,  tumawag na po ako sa managemen. Anong ginawa ng mga walang-hiyang sumisira sa akin? Pinakita po iyon sa YouTube na galit na galit daw ako. Binabastos ko daw ang presidente. Alam niyo ba ang puno't dulo nun? Yun ho ang totoo non. Bago pa man mangyari yan, tumawag ako sa management, kinausap ko sila, "Wag naman nating palabas yan, magbigay tayo ng respeto." Ano nanamang ginawa sa akin? Winasak nyo nanaman ako sa Twitter, sa YouTube. Hindi nyo pinanood yung kabuuan a thindi niyo po alam. Isang tao lang po ang nanindigan sa akin. Direktor ko po iyon sa Wowowee. Mr Johnny Manaha. Mr. M. Palakpakan natin ho ang tao na iyon. Dahil alam na alam niya ang katotohanan at andon po siya. Sa pamilya Aquino, sa presidente, ito po ang katotohanan.

Pagkatapos ho niyan, Wilyonaryo, Stampede, eto na naman. Babalik na ho ako sa Wowowee July 31. Kinausap na ako ni Ms. Charo Santos. Nagmiting na po ako sa mga staff ko. Pinintahan ako ni Ms. Linggit Tan sa bahay ko sa tagaytay. Meron ho kaming pinadalang sulat na piandala ko kay Jobert dahil isang bubong lang kami, tinitira ako sa isang bubong. Tapos na yan, nangyari na yan. So ang pakiusap ko naman sa management. Siguro naman ho kumikita ang programa ng Wowowee. Anong ginawa nila? Wala silang ginawa. Noong sumulat ho ang abogado ko sa kanilang lahat diyan, sa laht diyan, kay Ms. Cory Vidanes, kay Sir Gabby, kay Mam Charo, nagreact pa sila.Anong balak nila sa aking gawin? Istop yung show. At bigyan na lang ako ng once a week show. Pero babalik na sana ako. Pero isang araw tinawagan na lang ako ni Linggit Tan. Tinawagan ako, nagmeeting kami sa isang hotel, sa Imperial, sa isang kwarto, nandoon si Direk Bobot, Si Jay ang aking Business Unit Head. Ang sabi ho nila"Hindi ka na makakabalik, once a week ka na lang." Nilalagay pa ako sa Studio 23. Nilalagay ako sa isang programang parang totally out na ako. Bakit ho? Eh nangako sila na babalik na ako. Yan ang totoo nyan. Kaya nagdesisyon na ako na hindi na ako babalik. Eto lahat ng ito ay totoo.

Tapos ito, nangyari na naman ito. Sino ba ang gumagawa nito sa paninira ko? Meron ho kaming kaso pa eh. Hindi kami makuhanan ng TRO. Pilit nilang kunin, kinuhuha, para po itong programa ko ay mapahinto, ang programa natin mapahinto. Limang buwan na ho mahigit hindi nila makuhanan ng TRO. Eto po ngayon, nakakita ng butas. Hindi ko sila pinagbibintangan. Sinong gagawa nito? Kung sino man to, mahabag kayo. Kung ako okay lang eh. Mabubuhay naman ako. Kuntento na ako sa kung anong meron ako ngayon. Hindi na ako naghahanagad. Pero yung mga taong naghahangad, yung taong humihingi ng pagasa, yung mga pumipila sa labas, yung mga nanay, yung mga special children, mga special child na nandito araw-awa- kayo ang gumawa niyan. Kung sususpindihen nyo ang show, hindi naman ako natatakot na eh, lagi nyo naman akong ginaganyan eh. Ilang beses nyo akong tinganggal sa ABS, pero  pag kailangan ng ratings, tatawagan ka ibabalik ka di ba?

Wag niyo na akong lagyan ng music.

So yan ang pangyayyaring yan. Ngayon nakipagusap ako sa TV5 management. Ilang araw na po akong nagiisip. Ang sabi ko po sa kanila, itong mga tao na toayaw na akong tigilan. Hanggang ilibing na po ako ng buhay. Tinira po ako sa twitter, yung kay Janjan. Ang pinakita po, yung pinutol, inisplice na video ang pinakita. Pinuersa ko daw na sumayaw, pinaiyak ko daw, chinild abuse ko yung bata. Panoorin nyo ang buon segment ng Wiltime Bigtime kung papaano. Ni hindi ko nga alam yung nagsasayaw na bata.  Pinaglaruan ko daw. Wala ho ni isa dito sa studio na nakaisip na may malisya dun sa bata. Nakadamit yung bata. Nakayos yung bata. Sumasayaw na ho ng ganon. Four yrs old pa lang si Janjan sinasayaw na yun sa kanyang eskuwelahan sa mga pakontes yun na po ang sayaw ng bata. Ngayon anong ginawa ng DSWD, kinasuhan na po ako, inakusahan na agad ako na child abuser ako. Anon hong ginawa ng CHR, Commission on Human Rights, yun ho hinusgahan na ako. Inexploit  ko yung bata, Chinild Abuse ko. Lahat ho dito inakusahan ako. Sa diyaryo dinodrawingan ako ng monster. Kung mababasa nyo ho yan, hindi ko na binabasa, sinasabihan na lang ako.  Lahat ho ganun ang ginawa sa akin. Lahat ho yang mga tao na yan.

Eto ho yung mga mayayaman. Hindi naman ako naapektuhan eh dahil ang puso ko wala sa kanila, nasa mga mahihirap.

Gusto ko lang ulit ipaliwanang sa inyo na yung P&G, naglabas ng statement na napakasakit sa amin. Sila ho ay nagpull-out na. Yung Inasal nagpull-out na rin. Dahil may statement sila na…tulad ng Proctor &Gamble…napakasakit ho ng ginawa nila sa amin. Medyo masyadong personal. Na ayaw nilang maglagay sa isang programang ganon. Na yong behavior ay hindi maganda. Wala ho kaming kasalanan, wla ho akong kasalanan. Humingi na ako ng paumanhin sa inyo kung may na offend. Pero hindi ako humihingi ng tawad kasi ho wala akong ginawang masama sa bata na iyon. Hindi ko minolestiya ang batang iyon.

Gusto ko namang magpasalamat ho sa Unilever. Sila ho ay nagpaalam sa akin kagabi. Mineet ko po sila kagabi. Sobra po. Yung Surf, Rexona, Vaseline, Pepsodent. Alam niyo ho ang purpose nila magbigay ng saya. Gustong ibalik nila pag binili yung produkto. Naglabas sila ng statement. Ang sabi nila, "Willie aalis kami sa programa mo. Pero aalis kami sa lahat ng channel. In fairness sayo, para hindi ka unfair." Palakpakan natin ang Unilever.

Wala pa pong husga eh, wala pa pong kaso. Ginawa nyo na akong criminal. Kayo nga ho ang lumabas ng gate. Mamigay nga kayo ng pera diyan sa mga matatanda. Bumaba   nga kayo diyan sa labas ng kanto. Bigyan nyo yung mga naghihirap diyan. Yun dapat ang ginagawa niyo. Hindi yung pinupuntirya nyo ako. Yun dapat ang ginagawa niyo. Di ba?

Maraming mga artistang nakisawsaw. Magisip mun akayo bago kayo makisawsaw. Ang sakit niyo. Yan si Jim Paredes ng APO tinira ako sa twitter. Yan si Aiza Seguerra tinira ako sa Twitter. Si Agot Isidro, Leah Salonga, Mylene Dizon, Bianca Gonzales ng SNN. Susuportahan niyo ba ang mga tao na yan? Anong ginawa niyo sa samabayanang  Pilipino? Sino pa? Si Tuesday na kasama ko dito na hindi ko maintindihan tiga dito ka tinira mo ako. K Brosas. Lea Navarro. Kapwa tayo artista. Nagbigay ba kayo ng tulong? Nagbigay ba kayo sa Bantay Bata ng P1Milyon? Wag kayong manghusga ng kapwa nyo artista. Dapat magsama sama tayo. Tulungan niyo kami. Wag kayong manghuhusga. Tandaan niyo, ang masang Pilipino ang sumusuporta sa inyo. Yang mga tao na yan, winasak ang pagkatao ko sa Twitter.

Jim Paredes ng Apo. Lea Salonga. Aiza Seguerra, magpakalalake ka. Tandaan mo yan. Batang bata ka pa, nagtratrabaho ka na. Hindi ba exploitation yan. Magisip ka. Tingnan niyo muna ang sarili niyo bago kayo manghusga. Agot Isidro, wala ka namang anak eh bakit mo ako gaganyanin? Alamin mo muna. Bianca Gonzales. Akala niyo kung sino kayo. May natulungan ba kayong mahihirap?

Kaya  ko lang ho sinasabi ito, nagtitimpi lang ako. Ayaw ko tong sabihin. Ayoko hong banggitin ang pangalan nila pero yan ho ang ginagaw sa akin sa Twitter. Ang wasakin ako.

Tinawagan ho ang Technomarine sa Switzerland. Tinawagan sa America ang Unilever. Tinawagan lahat, inemail. Boboycott daw sila sa mga produkto pag ako daw ho ay sinamahan nila. Boboycottin niyo? Eto nga mga taong ito binabalik lang ng mga sponsors. Sino ba ang consumers? Sino ba ang namimili? Kayo ho ang bida dito, hindi ho ang mga sponsors. Dahil kung hindi kayo bibili sa mga sponsors, kung hindi kayo bibili ng mga produktong ito, wala. Hindi kikita itong mga to. Sinasabi ko sa inyong lahat yan.

Ako po, hindi po ako tumutulong nang nasa harapan niyo lang. Pero hindi ko na kailangang sabihin ito. Pasensiya na ho kayo hindi ako emosyonal hindi ako nagagalit. Pero sana bago kayo tuminin sa kapwa niyo, tumingin muna kayo sa salamin. Ano ang nagawa ko sa bansa ko? Ano ang nagawa ko sa bayan natin?

Bakit? Dahil sinoportahan ko si Senator Villar ganito ang tingin niyo sa akin? Nakita ko yung tao maganda ang puso. Nakita ko yung tao tumutulong sa mahihirap. I'll stick with him. Orange ang kulay ko kaya pinagiinitan niyo ako? Haharap ako sa inyo. Patawag ako ng Kongreso, patawag ako ng Senado at kung sino pa. Haharap ako dahil wala ho akong ginawang masama sa batang iyon.

Gusto ho nilang mahinto ang programa. Halos 200 tao ho ang nandito. Galing halos ABS yang mga yan sumama sa akin. Kung masama po akong tao, walang sasama sa aking mga tao at dancers. Yung iba po diyan 25 years, 18 years na sa kanila.

Ngayon po, nakipagusap po ako sa presidente ng  TV5, Atty Rey Espinosa. Nagusap kami na hanggang ngayon na lang po ako sa Willing Willie. Magpapahinga na muna po ako, hindi po ako magpapaalam. Starting po today ang live namin , bukas ho nakatape na po kami. Lalabas ho yon mapapanood niyo. Starting ho ng Monday hanggang Holy Week, pagiisipan ko ho kung ako po ay babalik pa sa industriyang ito. Bigyan niyo lang po muna ako ngpagkakataon sa sarili ko. Masyado ho akong binintangan ng binintangan ng wala ho akong ginawang masama sa akin. Sa mga tao hong gumawa niyan sa aki, ang isipin niyo yung mga matanda na nasa labas, mga bata, mga mahihirap sa labas. Wag ako. Instrumento lang ako ng mga tao. Wag niyo akong kainggitan dahil hindi ako lumalabas ng ibang lugar. Lagi lang ako nandito sa studio na to sa bahay ko o nakikipagpaligsahan sa inyo. Kung kayo ang magaling, magaling kayo. Basta ang puso ko, nandito sa mga mahihirap.

Humihingi lang rin ako ng paumanhin kay Boss MVP nadamay kayo dito. Atty Rey Espinosa, Sir Bobby, at sa lahat. Pasensiya na muna kayo at wala muna ang Willing Willie. Hindi ho kami nasuspinde. Wala hong suspensiyon ang MTRCB. Wag ho kayong magalit sa MTRCB. Nagpalit ho sila ng tatlong board. Bakit?  Lahat ho ng mga yon involved sa ABSCBN. Yung isang abogado, asawa nasa ABS. Yung isa, asawa sa ABS. Si Ms. Lea Navarro, biruin niyo hinusgahan na ako sa tweet tapos isa siya sa mga board. Hinusga ka na sa akin eh tapos  member ka ng board. Alam niyo ho dapata suspended ang show.Suspended last night for 20 days 30 days. May tumawag sa akin from MTRCB. Hindi sila buo doon. Meron din pong galit sa desisyon nila. Dapat ho suspendido kami, pero anong nangyari? Pinutol. Kasi pinakita namin yung mga babae na sumasayawa sa Going Bulilit na naka-bra lang. Pinakita namin yung apat na lalake na naka lampin na sumasayaw din sa Showtime tulad ng kay Janjan.  Bakit kami lang? Kung sususpindihin niyo kami, suspindihin niyo lahat yan. Hindi ba tama yon/

Iba ang tinititigan niyo sa tinititigan niyo. Maging fair po kayo. Tandaan niyo hindi ako titigil sa adhikain na ito.

Maaring ito ay eye-opener sa atin. Dapat ho tulungan natin ang mga bata sa kalye. DSWD, kunin nyo lahat yan. Bigyan nyo ng magandang buhay. Human Rights, Chairman, tinitira nyo ako hinuhusgahan niyo ako , ang daming namamatay na OFWs. Yun ang tulungan natin. Oh alam nyo ba? Nagbigay ako ng kalahating milyon umuwi lang dito yung OFW sa Lebanon. Nagbigay po ako. Binanggit ko bayan? Sasabihin ko lang sa inyo, gumawa ako ng paraan. Nagbigay ako ng isang milyon kay Mam Charo. Sa 71 dreams, 500. Hindi ko lang alam kung sa Bantay Bata o sa isa pa. Binigay ko ho yan. Binabanggit ko ba sa inyo yan? DI ba? Meron bang may gumagawa niyan? Kung may gumagawaniyan, mabuti. Sama-sama tayo, wag nyo akong gitgitin. Hindi ako masamang tao. Ang hangad ko lang ay magpasaya at tumulong sa mahihirap.

Basta nangangako ako. Kahit ho wala kaming commercial. Basta pag balik ko. Nakausap ko po ang presidente ng TV5 kahit ho isakripisyo ko na ang sweldo ko. Yun po ang bibigay kong papremyo. Itutuloy po namin at kasama ko ang TV5. Lahat ng perang makukuha namin, kahit inabandona kami ng mga commercial, kahit iniwan nila kami, kahit wlang isang commercial. Tutuloy namin to. Ang aming purpose ay magbigay ng saya at ng pagasa. Hihingi ako ng tulong sa aming presidente, hihingi ako ng tulong kay Manny Pangilinan. Kahit malugi daw kami.

Maraming salamat sa inyo. Mawawala ho kami ng dalwang linggo o kung ano man. At kung babalik man kami, may panibagong pagasa ulit. At bibigyan namin ng proteksyon ang mga bata at pamilya na tulad ni Janjan. Kami na ang gagawa niyan.

Marami pong salamat at pasensiya na ho kayo. Kahit idemanda ako ng ABS, haharap ako dahil hawak ko lahat ang katotohanan. May mga lalabas pong witnesses pag sinabi ko. Tandaan niyo po, yung mga sponsors po na iniwan ako, wag po kayong magalit sa kanila. Meron silang mga boss sa abroad.

Tsaka yung mga tumitira sa akin sa twitter., kung idedemanda ka ng TV5, idedemanda rin kita. Magdedemandahan tayo. Idedemanda ko lahat ng tumira sa akin sa Twitter, lahat ng personal. Tandaan nyo yan.

Salamat ho sa inyo. Basta tandaan niyo. Itong programang ito matitigil muna. After Holy Week, magaanounce ho kami kung tuloy pa ang Willing Willie o hindi na. Sa mga nangangarap at humhingi, ipagdasal niyo po ako. Si janjan po, inaaruga ko ang pamilya niya.  Dahil ang kailang po nila ay mga tao na kakalinga sa kanila. Wala pong kumakalinga sa kanila. Lahat po ng taong lumalapit sa kanila minumura sila. Dahil daw ang tatay ay bading, lalong binababa. Pero ako, anong ginagawa ko, tinatawagan ko ang pamilya kinakamusta ko. Yan ho ang gawin niyo DSWD, marami pa pong bata ang katulad ni Janjan.

Maraming salamat po. Magandang gabi sa inyo. Mahal na mahal ko kayo, at sana ipagdasal niyo na makabalik pa ang programang ito.

38 comments:

  1. uhm. tinira nya si Aiza dahil sya ay lesbian. tas biglang nagalit sya dahil mababa tingin ng tao sa tatay ni janjan kasi bading sya? teka lang ha nahilo ko.

    ReplyDelete
  2. magulo.. nagkokontrahan ang mga statements ni willy. out of line ang mga argumento. salamat sa tyaga sa pagtranscribe..

    ReplyDelete
  3. Daming ibinulgar ni Willie dito, para matakpan ang issue niya. Masyado rin gasgas na ang pagtatago ni Willie sa likod ng mahihirap, sa totoo lang sa mahihirap na ito which he is capitalizing kaya siya yumaman. Grabe mga argumento, kakahilo but it boils down to one, dapat mahinto na ang pag-e-exploit niya ng mga mahihirap. Mga mahihirap na kanyang inuuto. Sa bawat isang libo na binibigay niya sa isang taong mahirap na galing sa advertisers di sa sarili niyang bulsa ay ilang libo naman ang balik sa kanya?

    ReplyDelete
  4. what an arrogant guy...lahat may kasalanan maliban sa kanya...wag na syang bumalik sa industriya...wag na syang mangsisi at manggamit...walang kakwenta- kwentang tao

    ReplyDelete
  5. Ang issue dito a hindi tungkol sa ibang insidente sa kanya. Tungkol ito kay Jan Jan, tapos bakit nya pa nabanggit yung nakaraan? para makahingi ng awa? Child Abuse ang ginawa nya dun sa bata kasi hindi porket nakasaplot ang bata ay masasabi na hindi nya ito inabuso,samantalang sa mga nabanggit niyang mga salita ay kitang kita ang pangungutya nya dun sa bata. Sana man lang nakita nya o napansin nya yung emosyon nung bata at mafeel nya kung gaano nagpapakahirap yung bata at bigla nyang sasabihing para itong macho dancer? eh paano kung walang ibang alam na sayaw yung bata at ito lang ang nakita nyang sayaw na para sa kanya ay kaya nyang gawin? sa murang edad ng batang eto ay ipinakita na ni Willie kung gaano kababaw ang tingin nya sa ganitong mga bata. Ipagpalagay natin na nagdonate nga sya ng pera sa mga nabanggit nya. pero ang tanong ay yung sa mga show nya, pera nga ba nya talaga lahat ng iyon? 8,000, 10,000 mga produktong ipinamimigay? lahat yun ay galing sa mga sponsor. Ginagamit lang si Willie bilang tagapamahagi, hindi isang lehitimong tagabigay mula sa kanyang sariling bulsa. Maraming mahirap ang naloloko nya dahil sa pamimigay nya ng pera para mapakita ang "goodwill" nya. ok lang yun, pero ang paggamit ng masa bilang sandata para sa pagtatago sa sarili mong problema ay napakasahol. Hindi lang sa pera ang paraan ng tulong. Alam ba nya na ang mga shows na tulad ng kanya ay hindi nakakatulong sa pagunlad ng bansa? dahil sa tinuturuan nila na maging palaasa ang mga mahihirap sa ika nga mga easy shot na pagkuha ng malaking salapi. Sana man lang ay maintindihan nya ang essence ng pagkakapataw sa kanya ng isang kaso na "child abuse".

    ReplyDelete
  6. Lahat naman siguro nanyari ng biglaan at kung insidente o di-maganda ay di naman siguro sinasadya. Medyo mayabang man ang dating nya ay tutoo lang sya sa sarili nya, tumatangap sya kaya sya nagbibigay. Para makapag-ingat nalang sa mga susunod ay dapat ituwid muna at di-kondinahin kaagad ang isang tao.

    ReplyDelete
  7. @Latest Anonymous: Makailang beses na ba siya itinuwid?

    ReplyDelete
  8. tao lang si willie. nasasaktan siya sa mga isyung ibinabato sa kanya kaya naglabas siya ng sama ng loob. lalo sa abs cbn na wala man lang paggabay sa kanya kahit na ng nagtatrabaho pa siya dun. wag na tayong magtaka kung pati ang mga lumang isyu ay naungkat.

    marami talagang natutulungan ang programa at kahit papano ay napapasaya naman nito ang mga pilipinong masyadong nasstress sa buhay. kabi kabilaan ang pagtaas ng bilihin. marami talaga ang naghihirap. sana magtulungan na lang tayo.

    hindi yung pukpok kayo ng pukpok. tulungan na lang natin maimprove ang programa. kung tunay talaga nating hangaring makatulong sa mga kababayan nating mahihirap. mga mayayaman, mga elitista, hindi nyo kasi naranasang maghirap at wala kayong idea kung anong pinagdadaanan ng majority ng mga pilipino sa ngayon. tumulong na lang kayo sa pagimprove ng mga programang nagbibigay boses sa mga mahihirap...

    ReplyDelete
  9. tama, wala naman kayo nagagawa ngawa kayo ng ngawa pweeehhh!

    ReplyDelete
  10. yan abs-cbn na yan puros pera ng pera, ngayon narinig nyong mga aquino kung ano ang totoo ano masasabi nyo? yang lea salongang walang career, yang bianca gonzales na imoral ang alam gawin, wag mo kalimutan bianca nung panahon ng pbb may bf ka sa labas pero ano ginawa mo sa loob, pokpok ka! kung magsalita ka kala mo malinis ka, baboy! yang aiza na yan, kung isang finger ang ituturo mo kay willie remember ilan ang babalik sa sa yo? limang finger ang babalik sa yo, at yan ang gusto mo di ba puros FINGER! Yan si Jim Paredes ng APO ang tanda tanda mo na di ka ba marunong umintindi!ikaw jimmy paredes puros pera lang nasa isip mo, kelan ka naglabas ng sarili mong pera sa bangko para tumulong? kapal mo kc laos ka na. Si Agot Isidro ano kaya ang nagawa mo? nag iingay ka lang kasi laos ka na, walangg may gustong kumuha sa yo kaya nga wala kang project, gayahin mo s aiza baka magkaanak ka pa, pweeehhh!, Leah Salonga minsan lang naging sikat lumaki na ang ulo, ano san ka ngayon, kung ano ano na langg gagawin marinig lang pangalan mo. , Mylene Dizon na immoral kaya hiniwalayan at inanakan lang, yang ba ang babae? alagaan mo na lang yang anak mo ., Bianca Gonzales ng SNN ito ang napakalandi at sa national tv pa pinakita kababuyan nya, watch pbb, ano ginawa mo dun, kadiri ka!.

    ReplyDelete
  11. wala po talagang utang na loob yang si willie,..lahat ba ng sinasabi nya lahat ba yun ay totoo? ubod ng sinungaling yan .kong saan saan nililihis ang isyu.isa lng po ang isyu dito ang child abuse,pinasayaw nya ang bata kahit umiiyak na.dapat dna nya pina ulit ulit pa.,pati sya nakisayaw kaya child abuse ka ngayon.

    ReplyDelete
  12. wag muna gamitin ang DIYOS WILLIE!!!DEVIL KA!!!GINAGAMIT MO ANG MAHIHIRAP PRA SA KAPAKANAN MO!!PRA LALO KANG YUMAMAN IKAW PA MATAKAW!!WALNG UTANG NA LOOB ,PINULOT KA LNG SA BASURAHAN.

    ReplyDelete
  13. Maling-mali ang mga katwiran ni Willie...nakakainis lang na may mga maling-mali ring katwiran ang ibang nagcomment d2...pare-pareho kau ni willie,mga hindi marunong mag-isip at gumawa ng tama...

    ReplyDelete
  14. @Latest Anonymous: It's either they are paid, or they don't know what they're talking about.

    ReplyDelete
  15. Simple lang ang sagot ko diyan. Wag ka nang bumalik pa. Thank you.

    ReplyDelete
  16. Galing din ako sa hirap kaya hindi pwedeng sabihin na hindi ko naiintindihan ang pinagdadaanan ng mga mahihirap. Mas mahirap pa nga ang pamilya namin noon kaysa sa pamilya ni Janjan e. Pero MALING MALI na isipin na dahil nakakatulong si Willie sa maraming mahihirap e libre na siyang gawin ang kahit ano. Bago pa dumating si Willie, maraming mahirap ang umaangat sa pamamagitan ng... HARD WORK. Sipag at tyaga sabi nga nung politikong ineendorso ni Willie. E ano ang nangyayari ngayon, mga mahihirap, naka tengga, umaasa kay Willie, baka sakaling mapansin, kasehodang ipangalandakan lahat ng baho ng buhay nila. Nakakatulong ba talaga yun? I don't think so.

    ReplyDelete
  17. Melissa Holden AlcalaApril 9, 2011 at 7:03 PM

    Willie is also a victim of this issue. As a person, hindi nya intensyon ang abusuhin ang bata. Masyado naman itong mga taong to kung ikondena si Willie ganun nalang. I'm a mother myself but in that case wala naman pagkukulang sa part nila Willie. Nagkataon na naiyak yung bata dahil sa impact ng crowd, may mga ganun lang talagang bata, just because the child is crying doesn't mean he doesn't like being at that show. Kasi for sure maglulupasay yan or talagang iiyak yan kung ayaw talaga nya. Si Willie natural lang ang pagiging ganun nya magsalita at kumilos. From my grandparents to my children we enjoy their game show. It shows how Filipinos can be jolly in times of everyday hardships. Sa bawat pamilyang nananalo sa show na yan, may batang nakakabalik sa school. How about dun sa mga taong walang ginawa kundi manira? Wala silang naitutulong sa mga taong nangangailangan. Now sinasabi ng iba na bakit hindi mo tulungang magsikap ang kapwa instead na bigyan sila. For sure itonog mga taong to na sumasali sa show ni Willie ay mga lumaki sa hirap, nagbata para maitaguyod ang sariling pamilya but in these recent years kahit gaano pang pagsasakripisyo at pagsisikap may mga tao talagang sadyang kawawa na walang opportunidad. Yan yung naibabahagi ng show ni Willie sa mga ganitong tao kaya pls lang wag nalang ho kayo mamersonal.

    At kung ang issue na kay Janjan, tama na yon kausapin nyo yung bata at pamilya, tama nang makailang ulit ipaalam sa publiko ang nangyari at mag move on na. So the next time hindi na nila gagawin yon. Ano ba naman icorrect nyo nalang kung may pagkakamali naman nagawa. Subaybay nalang at pag unawa. Lahat tayo ay mag dungis wag tayo magmataas.

    ReplyDelete
  18. bkit pti ibang show sinilip niang bgla at puro programa p ng abs.. ang isyu nia ang dpat pagtuonan niang pansin!! ung mga snabi niang show n dpat tgnan din ay di katulad ng gnawa nia s bata! ung paulit2 n pnasayaw, ok lng kng isang beses un talent pero ung paulit2 at gnya m s burles queen ikaw n mismo ang nagiisip ng malisyoso.. gnagmit m p ung mhhirap s speech m pra kaawaan k.. hay.. tama c jim paredes, LAOS k n.. kng tlgang gusto mng tumulong s mhhirap d n kailanganmay show k puntahan m cla araw2 s mga bhay nla un ang TOTOONG TUMUTULONG!! msakit b ung nangyyari xeo kya k nagkkaganyan kng tlgang wla kng gnawang msama d k dpat nasasaktan e kso nssaktan at NPPIKON k n kc totoo lhat ng bnibintang xeo!! magdemanda k ung mga witness m pamudmudan mng pera tutal lhat nmn ng sumama xeo s TV5 e mga mukang pera!! kng d m nmn cla pnangakuan di nmn cla ssma xeo e!! ung mga dancers nga bnilhan m ng mga sasakyan ngalit k nung nlaman mng pinaggmit s mga jowa.. haiz.. puro k pera pnagmmukha mng pera ang mga mahihirap gnagwa m clang tamad at pnaasa m s swerte!! e2 n ang karma m kya khit anung gwin m gasgas n mga litanya m!! go to hell withcristy fermin!! prehas kaung pangit s panlabas at panloob n kaanyuan!!

    ReplyDelete
  19. Kung isang beses lang sumayaw si Janjan, hindi liable si Willy doon. Kagagawan yun ng mga nagturo sa bata. But we all know it did not stop there. Paulit ulit na pinasayaw ang bata, in-announce pa na parang macho dancer, parang burlesque queen, etc. At sa finale, nilagay pa sa umaangat na platform at pinalibutan ng mga girls. Hindi maganda.

    Nabasa ko ang sagot ng ABC 5 doon, kesyo daw sa ibang mga lugar e ganoon naman daw mag sayaw ang mga bata, sa kanila wala namang malisya yun. Kung ganito lang din naman ang argumento, sa amin, madaming batang magnanakaw, since madami namang gumagawa nun, ok lang na magnakaw ang mga bata. Madami din ang mga nagmumurang bata doon, so ok lang na magmura ang mga bata, tutal hindi naman nila alam na masama yun di ba?

    Kaya sila pinupuna, para hindi pamarisan. Kaya naman nababatikos si Willy, kasi pinagtatanggol lang niya yung ginawa nila at parating walang mali sa side niya. E kung sinabi niya, sorry, mali talaga ako doon pasensya na po, e di tapos.

    ReplyDelete
  20. exactly the kind of reasoning you can expect from an arrogant, i'm-your-messiah, stupid guy.

    so tingin nya sa sarili nya, porke namimigay sya ng pera santo sya? hindi nagkakamali? bakit kelangan nyang ilihis yung mga issues? sinasabi ng mga fantards trial by publicity? look what he's doing? he's no different from a tabloid.

    para maka-gain ng sympathy sa public, paawa-effect. kasalanan naman nya talaga yung ultra stampede, that's the least he can do.

    at bakit kelangan nyang ma-mersonal ng tao? tirahin ang lesbian at mga walang anak? hindi ba isang duwag na tao lang ang gagawa nyan? titirahin mo ang tao below the belt, para masira sya?

    the nerve of that guy, i pity more those who admire him. mag-iisip-isip kayo. back to basic morality lang naman yan, e. sa mata ng isang bata, ang gawaing masama ay nagiging tama pag ito ay ginagawa ng mas nakatatanda. ganyang pag-uugali ba ang ipapamana ang ipamamana nyo sa mga anak nyo? think people!

    ReplyDelete
  21. Wow..nagawa ko to,nagawa ko to,nagbigay ako,nagbigay ako..tumulong ako,tumulong ako..kaya kahit ano pwede ko na gawin..parang....nadinig ko na yun ha..madalas na ata...pag may election..

    ReplyDelete
  22. guys, obviously Willie is in desperation thats why he as contradicting statements and uncalled for comments... I think his time has come finally... God is Good.

    ReplyDelete
  23. I hope Willie Revillame will never come back... ilang beses na ba nangyari sa kanya to yet he never learns his lesson... instead of being more humble, respectful and apologetic pag ibinabalik siya mas lalo siyang nagiging arrogant, tactless and over- bearing... i think its time that we get rid of someone as awful as he is in front of our TV... sobrang exploitation na ang nagawa niya sa mga mahihirap over the years hindi lang kay Janjan... nakakasawa na...

    ReplyDelete
  24. "Money is the root of all evil" yan ang kaso ng taong ito, kung matatawag nga syang tao. Willie think of all the blessings you have and all the people that helped you through with it.

    Tumulong ka ng taos puso, hindi sa paraan na paggamit sa kahinaan at kakulangan ng edukasyon ng karamihan nating kababayan. Halos lahat ng ginagawa mo ay paggamit sa mga tao sa pang sarili mo mong kapakanan. Ang ibang tao na umaayon at naniniwala sayo ay katulad mo ring mangagamit.

    Willie may pagkakataon pa magbago, bumalik ka sa paniniwala sa Diyos. Ayusin mo ang mga mahal mo sa buhay at ang lahat ng susunod na mangyayari sa buhay mo ay naaayon na sa kagustuhan ng Diyos. Masyado ng malaki ang mga pagkukulang mo sa mga taong mahihirap at mga naging tapat na kaibigan mo. Tandaan mo ng ikaw ay umaasa pa sa tulong ng ibang kapwa mo artista... alam mo kung sino sino sila, magbago kana may panahon pa. Samantalahin mo ang iyong bakasyon at humingi ka ng tulong sa isang taong magbibigay payo na walang hihingin na kapalit.

    Maybe the best person is Princess ang dati mong asawa. She can make you see the real happiness in life, and maybe she can bring out the best in you. If not malamang nakuha na sa impyerno ni satanas ang kaluluwa mo. May the Lord give you another chance.

    ReplyDelete
  25. Ito pala ang sinasabing SONA ni Willie. Hindi ko kasi napanood at may nagkwento lang sa akin. Sabi ko bakit naman SONA? Ang ibig daw sabihin ni Willie:
    S-ayonara
    O-ut
    N-a
    A-ko...

    ReplyDelete
  26. As usual, he's trying to get the sympathy from these people who loves him because of his wealth.

    It is simply no remorse.

    ReplyDelete
  27. willie hindi pedeng tumanggap ng mali,kung sino sino pa ang inutusan na ipaglalabas ang baho ng mga tumira sa kanya sa twitter na hindi naman sure kung 22o o hindi, labo! 2009 ng i-publish ni willie ang kayamanan niya sa isang magazine(yes yata yun) pati na ang wowowie kung paano niya imanipulate ang show mula sa pag pila sa labas ng mga contestants hanggang sa audition at pag papractice ng mga napili sa audition bago mag show, kaya ibig sabihin, hindi pa nagsisimula ang show ay nagsimula na ang child abuse,kung ano ang pattern na ginagawa niya sa abs-cbn na siya ang host, director,front lang si bobot,at lahat ng decision ay siya ang nasusunod sa lahat ng bagay pati ang audience participation na bawal ang nakasimangot,bawal ang hindi pumapalakpak, pag pinasayaw ang audience sabay sa pagkanta niya, pag hindi sumayaw bawal.kaya pumalpak man ngayon si WILLIE, siya na rin ang responsible at liable dahil siya ang nasusunod kung ano ang kalalabasan ng live show sa matagal na practice ng mga contestant tulad ni janjan bago pa man magsimula ang live show.KAYA ANO PA ANG PINAG PUPUPUTAK NI WILLIE AT PANINISI SA KUNG SINO SINO SA KABOBOHANG GINAGAWA NIYA SA BUHAY NIYA ! ! !

    ReplyDelete
  28. ang akin eh bakit nyo naman tnitira s willie eh nagtratrabaho lang cya ng maigi at tumutulong sa mga mahihirap. oo nga naman bkit kailangan makisawsaw ang mga ibang artista pa. aiza, jim, bianca, leah navarro, agot isidro at lea salonga mind your own business na lang kaya...para naman sau willie alam ko na masyado kang mag jokes specially green medyo pigilan mo para naman d ka nila titirahin dhl cguro mga inggit na sila sau dhil marami ka ng pera cla wala!

    ReplyDelete
  29. Willing Willie sa Kagaguhan. Na Wili sa kalokohan tong Willie the Great na to eh.

    ReplyDelete
  30. MR. PANGILINAN, YOU WILL BE THE MOST STUPID BUSINESSMAN IF YOU STILL ALLOW THAT MORON TO A HAVE ANOTHER SHOW IN YOUR NETWORK. BUT I KNOW YOU'RE NOT STUPID, AS A MATTER OF FACT, YOU ARE A VERY SHREWD BUSINESSMAN AND AS ONE, YOU WILL HAVE NOTHING TO DO WITH A LOSING BUSINESS PROPOSITION. ADVERTISERS WILL NOT TOUCH WILLIE WITH A TEN-FOOT POLE, TAKOT NA SILA SIGURADO KASI MAY "REPEAT PERFORMANCE" NA NAMANG GAGAWIN IYAN, MORON AND IMMORAL AS HE IS, YOU CAN EXPECT THAT!

    ReplyDelete
  31. ANG GULO NG LINE OF ARGUMENT NI BOBONG WILLIE, KINOKONTRA SARILI NIYANG ARGUMENTO. ANO NAMAN KASI ANG MA-EXPECT MO? KASING GULO NG UTAK AT BUHAY NIYA ANG MGA PINAGSASABI NIYA! DOESN'T MAKE SENSE AT ALL TO ME

    ReplyDelete
  32. may point laha ng snabi niyo kaso talagang nakakasawa na ang ka-dramahan at ka OAyan ni willie, minsan naisip ko na ginagawa niyang palaasa ang tao sa show niya, kung makikita niyo lang ang tao na nakapila sa harap ng tv 5 maaawa kayo, nauulanan, naaarawan, nakakalanghap ng usok ng sasakyan (dahil ito ay along quirino highway sa novaliches). halo-halo, may bata may matatanda 24 hours sila dun sa side walk, dun na sila natutulog, parang si willie na DIYOS nila, parang si willie na lang ang pag-asa nila, at may time pa na may umiinit ang ulo dahil hindi lahat nakakapasok, may hinihimatay, may nasasagasaan, nagiging tamad na ang ibang tao dahil sa kanya, hindi pag-mamahal ang tawag dyan, pang-iispoiled iyan sa kanila. sige subukan ni willie mag-handle ng seminar para sa livelihood program for sure hindi ganyan karaming tao ang pupunta kasi sinanay niya na sa one click na pera ang mga tao, sometimes din hindi maganda ang approach niya sa mga tao, pati sa staff niya nakikita namin yun on air and national tv na napapahiya sa kanya ang iba and yung mga staff niya, hindi niya pwedeng sabihin na sanay na sa kanya ang mga staff niya, bakit yung mga taong nanonood ba sa kanya sanay sa ginagawa niya? kung tutuusin di lang namn si janjan ang naabuso sa sarilii kong opinyon ang mahihirap nating kababayan ay naabuso na rin....kung ako si willie nanatili na lang akong down to earth baka naawa pa sa kanya ang iba....talaga naman nakakaawa din siya dahil sa mga nangyari, in fairness naging paborito ko rin namn siya nung wowowee time niya...yun lang...sana mapag-isipan ni willie lahat ng yan...

    ReplyDelete
  33. BAKIT HINDI SYA MARUNONG TUMANGGAP NG KAMALIAN NYA? PARA MATAPOS NA ANG LAHAT?

    ReplyDelete
  34. paki sabi sa hambog na yan na di dapat ipinagyayabang ang pagtulong!di daw niya dapat sabihin pero sinabi niya din.
    mas madaming showbiz personalities ang mas noble ang nagawa kaysa sa kanya, rosa rosal, etc...pero di nagyabang kagaya niya.
    kung nag-sorry sa siya, tapos ang kuwento.
    false hope ang binibigay ni willie. tinuturuan niyang mag depende ang mga tao sa bagay na di permanente. trabaho ang pamigay mo, willie! wag pera! turuan natin silang mag sipag, wag umasa!

    ReplyDelete
  35. sa pag kakataong ito pabor ako kay willie wala akong makitang minolestya si jan jan.. ung iba kasi saw2 nalang eh..

    ReplyDelete
  36. @Anonymous whether or not WR knows that he's doing something wrong is immaterial. What counts here is that people see something off with the incident, and by the parens patrie doctrine, the state can intervene with this incident.

    ReplyDelete
  37. Lahat ng tao puro mali, sya lang ang tama! nakakatawa! he sounded like a broken record....paulit ulit lang ang sinasabi...haaayy just to get the people's sympathy.

    ReplyDelete

Your comments are highly appreciated