***Second Gap***
WR: Magandang gabi sa inyong lahat, kamusta kayo? Okay, yan, ano ba ngayon? Monday? Hi , tita Cristy. Palakpakan natin, Ms. Cristy Fermin. Mr Erwin Tulfo, gwapo oh! Aksyon! Palakpakan niya!! May paninindigan.
Lunes ngayon March 28, may ipapalabas kami ngayon, kung naalala niyo ho. Kung wala kayong YouTube o Twitter, hindi niyo alam yung mga nangyayari. Ako'y nagulat lang din ho kahapon, 400 thousand hits ibig sabihin po niyon, ganon na ho karami ang nanood Willing Willie dun po sa YouTube o sa Twitter. Yun po yung guest naming bata, yung six year old [To the camera man: Huwag niyo munang kunan.] na si Janjan. Eto ho ang nangyari noon. Ako nanaman ho'y binabatikos, ayaw akong tigilan. Panoorin po natin ito. Ito po yun.
-shows March 12 episode with Janjan-
WR: Actually ho, alam niyo, marami hong reklamo sa programa, sa TV5 at siyempre po sa akin na na abusado daw yung bata-- na abuse daw namin-- pinaglaruan, pinagtawanan.
Una ho sa lahat, hindi ko po alam na ganun ang kanyang talent. Nalalaman ko na lang ho yan, dito na ho. Tinatanong ko, "Anong talent mo? Singing or dance?". Akala ko nga ho kakanta di ba?
Ngayon ho, marami nanamang bumabatikos sa akin: sa YouTube, sa Twitter. Na disrespectful sa bata, child abuse, kung anu-ano na naman ho ang sinasabi sa akin at sa programa, sa TV5. Well, ganun talaga, gumawa ka ng mabuti, gumawa ka ng masama sa paningin ng tao lagi kang masama. Hindi nila nakikita yung ginawa mong kabutihan. Yung isang pagkakamali mo-- hindi nga pagkakamali, di ba?. Yan ho ang tingin sa yo.
Anyway, so minabuti namin, kinausap ko yung mga tao dito na gusto kong makausap yung pamilya. Yung tatay, yung nanay at yung buong pamilya na ang magsalita. Ang katotohanan nga po niyan, ang kantang gagamit diyan ay yung "Careless Whisper", and it's a good thing yung staff namin [is] very sensitive na hindi masyadong maganda sa bata dahil masyadong popular sa video yun. So pinalitan namin yun. Eh eto ang gusto ng bata pala, yun po ang request eh. Sa audition pa lang.
Eto nga ho, ipapatawag ho kami kung saan saan. Meron nang reklamo sa DSWD, Human Rights, gusto pa akong ipatawag sa Senado. Diyos ko naman! Ang daming problema ng bansa. Ang dami nating problema: Tulad ng yung bibitayin. Yung mga corrupt. Tapos eto na maliit na bagay binastos namin yung bata, binastos namin dito. Wala pong ganun at hindi po namin iyan gagawin dito. Dahil ang mga batang iyan, yang mga batang iyan… Gusto ko lamang tawagin ang mga magulang ng bata.
-calls the Suan's from the audience-
Eto po ang kanyang tatay, eto po ang nanay, may tatlo po silang anak. [To Jojo] Eh hindi ko po alam kung ano, magpakilala ka muna.
Jojo Estrada [ JE]: Ako po si Jojo Estrada, taga-proj 6, ako po ang tatay ni Janjan .
Diana Suan(DS): Ako naman po ang nanay ni Janjan na si Diana, taga project 6 po.
WR: Kasi nagkausap tayo kanina, tinanong ko sa kanila sino ang nagturo sa kanya ng sayaw na yun, panong nangyari na guanun ang sayaw. Eh ilang taon pa pala si Janjan ganun na pala ang sinasayaw niya?
DS: Three years old pa lang po siya sumasayaw na po siya.
WR: Anong sayaw niya?
DS: Careless Whisper po.
(WR laughs)
WR: Yung sayaw ni Janjan, yung tugtog ng Careless Whisper. Yun din ang mga sinasayaw niya. Actually, sa mga program ba?
JE: Sa school Kuya Wil, nadiscover siya. Nag little SM din siya 2009, yan din ang kanyang talent. Lahat ng tao nagsisigawan sa kanya.
WR: Anong sinayaw niya?
JE: Careless Whisper ang sinayaw niya.Kayanung narinig ko dito na nagpapaaudition kayo ng 6 to 11 years old, hindi ako nag-atubili na iaudition ko yung anak ko. Kagustuhan rin naman po iyon ni Janjan. Sabi niya, "Papa gusto ko pumunta doon at magpa-audition ako." Biro mo 3000 ata mahigit sila napalad na nakuha siya, pang-apat siyang nakuha doon.
WR: Ngayon, alam niyo na ang nangyayari ngayoon. Tinawagandaw sila ng GMA News, kung ano-ano, tinatanong na, "Alam nyo ba…." na….. Anong sinabi sa yo?
JE: Tinawagan ako kanina. Ang dami. Sabi, "Alam niyo ba yang ginagawa ninyosa anak ninyo? Bakit ganyan ganyan?" Ang sabi ko eh kagustuhan ng anak ko iyon. Siyempre gusto ng anak kong sumikat, gusto niyang mag-artista kaya yun ang ginawa niya para maiba siya at mapansin siya ng ibang tao [audience claps]. Sabi ko sinoportahan ko lang naman yung anak ko eh yun ang kagustuhan niya. Gusto nga niyang sumayaw eh.
**Janjan cries at the moment he heard "Gusto nga niyang sumayaw eh"**
WR: Hindi mamaya na. Okay lang yan naiiyak siya (JE interjects, "Ganyan talaga yan eh."
WR: Alam niyo ba kung bakit siya umiyak? Ano ngang kwento niya?
JE: Ang sabi niya nung pagdating niya nung galing dito ang sabi niya, "Papa naiyak ako kasi nakita ko yung parang kapre, yung matangkad, yung si Balingit." [WR, audience laughing] Sabi niya.
WR: Natakot daw kay Balingit, kaya siya umiyak. Tapos kaya naman ho namin pinaulit-ulit yung sayaw ng bata kasi gustung-gusto ng bata na sumayaw. Eto po si Janjan, wag ka ng umiyak.
**Janjan still crying. JE says, "Gusto ho niyang sumayaw kaya ho nag-gagaganyan iyan (crying)". **
JE: Kuya sasayaw yan si Janjan, gusto niyang sumayaw.
WR: Sandali sandali may problema pa tayo. Sandali. Tulad niyan yung DSWD, tumawag na dito sa TV5, sumulat na kay Mr. MVP. Tapos may mga ibang ano na na ang tingin inabuso natin yung anak mo. Inabuso namin, na ginawa kong katawa-tawa. Kayo ang magulang, kaya kayo ang dapat na magsalita tungkol doon kasi bago naman ho mag-audition iyan eh sa approval naman ho ng mga magulang. So meron ba kayong gustong sabihin?
JE: Ang masasabi ko lang doon sa mga naninira, lalo na doon sa YouTube, tigilan na nila kasi hindi rin naman kagustuhan ng mga magulang iyon…kagustuhan ng anak ko iyon na magpakita ng talent. Tsaka sa DSWD, hindi kasalanan ng anak ko na maging ganun, kasi yun ang pagka-alam niya na maganda ang ginagawa niya. Kagustuhan iyan ng anak ko, hindi naman iyan kagustuhan…At saka marami sa YouTube na nagsasabi na magaling yang anak mo. Tsaka yung mga pinsan ko sa Amerika nagttext sa akin. Walang may nagsabi sa ginawa ng anak ko na hindi maganda ang ginawa ng anak ko. Puro lahat nagsabi na ang galing ng anak mo. [audience claps] Kahit yung sa kapit-bahay namin yung computeran, hindi na siya sinisingil ng bayad. Tuwang tuwa kay Janjan. Hindi na siya sinisingil. Everyday na siya doon nagiinternet , nagcocomputer [audience laughs] Wala na siyang bayad.
WR: Tapos ano pa ang mga nabago? Kasi ilang araw lang yan.
JE: Tapos nung pumunta siya sa Quiapo ang daming nagpapacture sa kanya. Sa jeep. Ang daming nakakaalala sa kanya, "Ang galing galing mo Janjan sayaw ka nga". Lahat talaga maraming nag-ano sa kanya.
WR: Sino ang nagturo sa kanya ng sayaw na iyon?
JE; Ayun ang salarin, yung pamangkin ko? [points to the pamangkin in the audience] Ayun si Argie
WR: Siya yung nagturo ng sayaw. [camera shifts to Argie in audience]. Bigyan mo ng mic. Argie, ikaw ba ang nagturo non?
Argie (A): Opo
WE: Bakit iyon ang tinuro mong sayaw?
A: Gusto niya po eh.
WR: Gusto mo ba yung sayaw na yun Janjan?Ikaw ba ang may gusto niyon?
Janjan: [nods] Opo. [JE suggests to Janjan]
WR: Bakit ka umiiyak nun nung sumasayaw ka?
JJ: [teary eyed] Kasi natakot ako kay Balingit.
[WR, audience laugh]
WR: Kaya pala. Okay. Alright. So yung sayaw mong yun, yun ang gusto mo talaga. Paborito mo ba yun?
JJ: Opo
WR: Marami ba siyang sayaw na alam?
JE: Meron siya yung kay Michael Jackson.
WR: Okay lang ba iyon kasi…..Pero ano ha…..Hindi ko alam…..nagiingat na tuloy ako dahilkonting galaw mo pinapansin eh. Di ba? 400 thousand hits po ito ha. Sa YouTube, sa Twitter, ang nakapanood. Ibig sabihin niyan, pinapanood nilang lahat ang Willing Willie. [audience claps]. Iba ang TV5. [JJ's little sister approaches Janjan]. Oh ang sweet sweet ng kapatid mo.
JE: Magaling rin ho iyang sumayaw kuya Wil.
WR: Oh, Magaling rin daw na sumayaw. O baka magkareklamo na naman. Puwede bang pasayawin iyan? May mga lawyers ba tayo, attorney?O sayaw ka [to the little sister]
**Music plays. Little Sister dances. **
WR: Okay, Thank You. Kasi yung pamilya nila masaya eh. Masaya yung pamilya nila eh. O Janjan ah, wag ka ng umiyak. Ayoko na yung sinayaw mo, ako na lang ang sasayaw nun.
**Michael Jackson's Billie Jean music plays. Janjan dances MJ's signature move with hands on the hat and the groin. WR stops**
WR: Okay, sandali. [audience claps] Ganun ba sumayaw si Michael Jackson. Ah ganun pala talaga.
JE: Yung sinasayaw niya Kuya Wil gustong makita ng mga tao. Dami kaya nagrequest.
WR: Wag ka na sumayaw nun. Yung kamay nun dito mo nalang ilagay sa ulo.Kasi kaya pala, kaya ganun sumayaw si Janjan…Anong sabi mo?
JE: "Kaya ho ganun ang sayaw ni janjan kasi ho nageemote ang tugtog nung kanta na yun, kaya ho siya malungkot. At saka artistahin yung bata na yan, magaling talagang umiyak Kuya Wil. Konting ano lang yan iiyak."[Janjan cries]
WR: Wag ka ng umiyak. Gusto mo bang sumayaw? [Janjan seems to me being persuaded by his mom] Anong gusto mong sayawin. Yung dati o bago?
JJ; Michael Jackson
WR: Okay Michael Jackson [On the background JJ insists that JJ should dance the previous routine] Eh nagtuturo yung tatay eh. Okay ha yung Michael Jackson, wag na hawak sa ano ha.
**JJ dances MJ routine again with one hand in the groin. WR stops it again.**
WR: Wala bang iba. Wala bang iba? Talagang ako'y mahihinto niyan pag ganyan.
JE: Pero Kuya Wil ang dami talagang nagrerequest yung sayaw niya datiang gusto niyang sayawin.
WR: Alin?
JE: Yung sinayaw niyang Next Episode.
WR: Alin yun?
**Next Episode plays**
WR: (laughs). Wag na. Hindi na. Hindi na. Ayusin muna natin ang problema natin. Okay. Ha Janjan? Anong gusto mong sabihin madami ka ng tagahanga.
JJ: [teary eyed] Maraming Salamat. [sobbing]
WR: Bakit ka umiiyak ngayon?
JJ: [sobbing] Wala lang masaya. [audience claps]
WR: Okay na [JE still insists that JJ dance Next Episode]. Ano yun?
JE: Music ho. Next Episode
WR: Ano ba yung Next Episode? [Next Episode plays] Wag na yan. Ako na naman ang masisisi. Kayo ang nagturo, ako ang masisisi. Wala bang iba siyan sayaw yung masaya?
**I Know You Wan't Me plays. Janjan dances hiphop. Followed by Jojo**
WR: Okay, maraming salamat sa pamilya. Hali kayo, anong gusto niyong sabihin sa DSWD sa mga sangaya ng ating gobyerno, at sa mga tao na nagrereklamo na na-abuso ang anak nyo dito sa Willing Willie? Siempre kayo ang mga magulang nito. Again, anong gusto mong sabihin sa kanila?
DS: Ang masasabi ko lang po eh wag naman po nilang sabihan ng ganun kasi napakasakit ho sa magulang na sabihan na nachnachild abuseyung anak ko [DS cries] dahil hindi naman po namin tinuturuan ng masama yung anak ko. Sana po maintindihan ninyo na yung talent ng anak ko eh ganun talaga. Gusto nya lang po siguro na mag-artista na maexpose sa mga tao kaya po gusto nya rin pong sumayaw o guminhawa po ang buhay namin. Saka po sa mga ibang channel po na katulad po ng Going Bulilit bakit ho hindi niyo kinukwestiyon yung ginagawa ninyo sa show na yan. At saka ho sa anak ko po kinukwestiyon niyo po ng malaki. Yun lang ho ang panawagan ko na sana ho eh wag niyo pong masamain yung ginagawa ng anak ko. Yun lang po
JE: Kuya Wil, tulad ho ng mga nasa kabilang istasyon, mas malala pa nga ho ang ginagawa nila talagang pag napapanood namin, naghuhubad talaga. Yung mga bata ginagaya nila.
WR: Di bale wag na nating pagusapan yung ibang channel an importante eh yung mensahe mo unang una sa mga nagcocommento na napapabayaan, naabuso yung anak niyo. Kasi sabihin niyo naman na nangangailangan kayo ng pera kaya kayo sumali. Yun naman ang totoo eh
JE: Yun ho talaga ang totoo Kuya Wil. Kung makikita niyo nga eh yung tirahan namin eh wala parin kaming pintuan hanggang ngayon. Tsaka yung TV namin hayan talagang…
WR: Yung TV nila kasi walang channel 5
JE: Nagkaroon na Kuya Wil kahapon kasi bumili kami ng converter kahapon. Sa Quiapo.
WR: Sino ang nagisip na mag-audition siya rito?
JE: Noong napanood namin, kami rin ang nakaisip kasi sumali na rin po ako dito Kuya Wil eh. Eh hindi ako pinalad. Sabi ko, "Subukan mo kaya Jan". Sabi niya, "O sige papa gusto ko rin".
WR: Ano bang trabaho mo?
JE: Parlor po Kuya Wil, May Parlor po ako sa Project 6
WR: Ah siya pala ang may parlor. Yun lang ang trabaho mo?
JE: Yun lang po ang trabaho ko
WR: Okay sana naintindihan ng lahat. Yung mga nag Twitter at nagYouTube na una ang tingin nyo ay inaabusp, una hindi namin yan ginagawa sa ating mga kababayan. Nandito ho kami para magbigay ng saya at tulong at ng pag-asa. Tulad ng mga batang ito, hindi ba nangangarap eh. Sa hirap ng buhay. Poverty ang pinaguusapan natin dito. Sa hirap ng buhay po iyan. Nandito kami para magbigay ng saya. Kung may na-offend kami, may na-offend ako, humihingi po ako ng paumanhin pero ang importante ay nakita naming masaya ang pamilyang ito. Kamukha niyan nanalo kayo ng 10 thousand ano ang ginawa ninyo?
JE: Anong binili mo nak sa 10 thousand mo?
JJ: MP5 at bike
JE: Yun ang nabili niya. Tuwang tuwa siya nung nakabili ng ganun. Kaya binili ko sa kanya yung kinita niyang sampung libo.
WR: O sige, Okay na. Sana ho maliwanagan. Salamt ho sa inyo.
**Suan exits. Next Episode plays. WR dances body wave**
**TRANSCRIPT ENDS HERE*****