Sunday, March 6, 2011

A Piece from High School

A while ago, I was rummaging through our basement. Nothing really much, just looking for a hidden treasure (I guess), that lies within those chambers. Then I bumped in to my old pile from Senior Year school. I found this piece, written in a pink (so gay!) construction paper, that earned me an A+ for Filipino. And for the record, I suck in Filipino, so I am wondering now how proud I was after receiving a high mark for this sanaysay.

****
Goodbye Kamusmusan, Welcome Kabataan

Sapagkat ang kamusmusan ay isang kulungan ng kababawang kaisipan kung saan dapata tayong kumawala at maging kritikal sa pagdili-dili ng ating mga ideya. Sa ganitong paraan, tayo ay makakapagbulay-bulay sa mga isyung nagaganap sa ating lipunan. Datapwa't tayo ay tumindig at ipaglaban ang katotohanan. Ito ang papel na dapat nating gampanan sa ikauunlad ng bayan. Sapagkat ang kabataan ang pag-asa ng bayan.

Sapagkat ang kamusmusan ay isang kulungan ng kakulangang intelektwal na dapat tayong kumawala dahil sa mabilis na pag-agos ng panahon. Sa ganitong paraan, madali nating makakalimutan si Teddy Bear at si Rubber Duckie sapagkat papel at pluma na ang ating hahawakan. Kakalimutan din natin si Cinderella at si Snow White dahil si Ibaraa at si Elias na ang ating kikilalanin. Datapwa't tayo'y humulagpos sa mga ito at mageksperimento. Sapagkat ang kabataan a y pagasa ng bayan.

Sapagkata ang kamusmusan ay isang kulungan ng biruan na dapat tayong kumawala dahil sryoso ang pinagdaraanan ni Inang Bayan. Sa ganitong paraan, ating makikilala kung sino si kahirapan at si kagutuman. Datapwa't tayo'y kakayod at magsisiphayok. Ang tawanan ay isang alternatibo sa ating pagwawalang-bahala. Tayo'y tumindig at mangatwiran. Sapagkat ang kabataan a ang pag-asa ng bayan. #

****
I can't believe I have used those words. Nose bleed.

No comments:

Post a Comment

Your comments are highly appreciated